Ang Pagkakatawag sa Pagsisisi

Panimula


Pagtalakay


I. Ang Nawawalang Paksa sa mga Sermon Ngayon

A. Kailan Kayo Huling Nakarinig ng Pangangaral Patungkol sa Pagsisisi?

1. Nakarinig na ba kayo ng pangangaral tungkol sa Mabuting Balita na naglalaman ng pagsisisi?

2. Hindi na raw nauugma sa ika-21 siglo ang pangangaral ng Mabuting Balita na hinihingi ang pagsisisi ng tao sa kanilang mga kasalanan.

B. Kailan at Sino

1. Kasing aga ng taong 1937, napansin na ni Dr. H. A Ironside na ang doktrina ng maka-bibliyang pagsisisi ay napalalabnaw na ng mga nagnanais na ito’y tanggalin sa mensahe ng Mabuting Balita.

a. Samantala’y isa ring dispensationalist si Dr. Ironside ngunit mahigpit niyang tinuligsa ang mga sobrang maka-dispensationalism dahil sa kanilang pagtuturo na ang pagsisisi ay para sa ibang panahon.

b. Sinulat nga ni Ironside sa kanyang aklat na Except ye Repent (Grand Rapids: Zondervan, 1937, p. 7): Ang mga taimtim pananalita ng ating Panginoon, “Ngunit sinasabi Ko sa inyo: kapag hindi ninyo pinagsisihan at tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat,” ay kasing-halaga ngayon tulad noong ito’y unang sinambit.

c. Dagdag pa ni Ironside, “Walang pagkakaibang dispensational, mahalaga man ito sa pag-unawa at pagpapaliwanag ng gawain ng Diyos sa tao, na makapagbabago ng katotohanang ito.”

2. May iba pang prominenteng dispensationalist ang nagpatuloy sa pagtuturo na ang pangangaral daw ng pagsisisi sa mga di-ligtas ay nilalabag ang espiritu at nilalaman ng mensahe ng Mabuting Balita.

a. Inilista ni Dr. Lewis Sperry Chafer sa kanyang Systematic Theology ang pagsisisi bilang isa sa “mas kumon na sangkap ng pananagutan ng tao na karaniwan nang napagkakamaliang dagdag na hinihingi ng pananampalataya o pananalig.”

b. Sinabi pa ni Dr. Chafer na hindi raw matatagpuan sa aklat ng Juan ang salitang pagsisisi at isang beses lamang nabanggit sa aklat ng Roma.

c. Sa pananaw ni Chafer, ang katahimikan daw na ito ay “nag-uumapaw at di maitatangging katibayan, dahil dito’y maliwanag na hindi hinihingi ng Bagong Tipan ang pagsisisi sa mga di-ligtas bilang kundisyon ng kaligtasan.”

II. Pagbabale-wala ng Pagsisisi

A. Doktrinang Winalang-saysay sa Ryrie Study Bible

1. Nakasama sa Bibliang ito ang isang buod ng mga doktrina kung saan nailista ang pagsisisi bilang “isang huwad na karagdagan sa pananampalataya” kapag ginagawang kundisyon upang maligtas, liban lamang “kapag ang pagsisisi ay itinutumbas sa pananampalataya.”

B. Naibang Pakahulugan

1. Mga Tagapagturo at Professor ng Seminaryo

a. G. Michael Cocoris: isa pang kilalang tagapagturo ay ganito rin ang sinasabi:
    “Hinihingi ng Biblia ang pagsisisi upang maligtas, subalit ang pagsisisi ay hindi nangangahulugan ng pagtalikod sa kasalanan, o pagbabago ng asal… ang makabibliyang pagsisisi ay isang pagbabago ng isip o pag-uugali patungkol sa Diyos, kay Cristo, mga patay na gawa o kasalanan” [Lordship Salvation --- Is It Biblical? (Dallas: Redencion Viva, 1983,) p. 12].

b. Thomas L. Constable: isang kilalang guro sa seminaryo.
    “Ang pagsisisi ay nangangahulugan ng pagbabago ng isip at hindi ng pagbabago ng buhay” [The Gospel Message, Walvoord A Tribute (Chicago: Moody Press, 1982), p. 207].

c. Charles C. Ryrie: isang kilalang manunulat --- ang pagsisisi raw ay simpleng pagbabago ng isip tungkol kay Cristo [Balancing the Christian Life (Chicago: Moody Press, 1969). p. 176].

d. Ang ganitong uri ng pagsisisi ay walang kinalaman sa pagtalikod sa kasalanan o pagpapaubaya ng sarili sa Diyos. Wala itong pagkilalala ng pansariling konsyensya, anumang hangarin na sundin ang Diyos, o anumang pagnanais sa tunay na katuwiran.

2. Hindi ganitong pagsisisi ang naituro ni Cristo.

a. Paulit-ulit nating natalakay at nabasa ang Mabuting Balita ayon kay Jesus na ito’y isang pagtawag upang talikuran ang kasalanan at isang ring pagtawag na manampalataya.

b. Mula simula hanggang pagtatapos ng Kanyang mga pangangaral, ang tema ng Tagapaglitas ay pagtawag sa mga makasalanan na magsisi --- at ito’y nangangahulugan na hindi lamang sila magkaroon ng panibagong pagkakilala kung sino Siya, kundi ang sila’y tumalikod din sa kanilang mga kasalanan at sarili upang sumunod sa Kanya.

c. Ang mensaheng iniuutos Niya na atin ding ipangaral ay kapareho: “ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan…” (Lukas 24:47)

1) Pansinin na ito’y talaan ni Lukas tungkol sa Dakilang Utos ng Panginoon na Mangaral ng Mabuting Balita.

2) Si Lukas lamang ang nakapagtala ng mga salita ni Jesus tungkol sa nilalaman ng mensaheng iniuutos Niyang maipangaral ng Kanyang mga alagad.

3) Maliwanag na pagsisisi ang pinakapuso ng Mabuting Balitang iniuutos Niyang ipangaral ng Kanyang mga alagad sa buong daigdig.

III. Ano ang Pagsisisi?

A. Ipinaliwanag

1. Mahalaga itong sangkap ng pagbabalik-loob sa Diyos1, ngunit hindi ito simpleng pagkakapareho lamang sa pananalig.

a. Ang Griyegong salita nito ay metanoia, mula sa meta ay “pagkatapos, at noeo ay “maunawaan.”

b. Sa literal na salin, nangangahulugan ito ng “pagkatapos na mapag-isipan” o “pagbabago ng isip,” ngunit hindi natatapos dito ang pagpapakahulugan nito sa Biblia.

c. Sa tuwing gagamitin ang metanoia sa bagong Tipan, lagi itong tumutukoy sa pagbabago ng pakay, lalo sa pagtalikod sa kasalanan.

d. Sa pagkakagamit ni Jesus, hinihingi ng pagsisisi ang pagtatakwil sa dating pamumuhay at pagbabalik-loob sa Diyos upang maligtas (Mateo. 4:17, 18:3; Marcos 1:15).

2. Inilarawan ni Pablo

a. Pagbabago ng pakay ang nasa isip ni Pablo nang ilarawan niya ang pagsisisi ng mga taga-Tesalonika: “… tinalikdan na ninyo ang pagsamba sa mga diyus-diyusan upang maglingkod sa tunay na Diyos” (1 Tesa. 1:9).

b. Pansinin ang tatlong sangkap ng pagsisisi

1) pagbabalik-loob sa Diyos

2) pagtalikod sa kasamaan

3) hangaring maglingkod sa Diyos

c. Walang pagbabago ng isip na maaaring tawaging pagsisisi kung hindi nito kasama ang nabanggit na tatlong sangkap.

d. Maliwanag na ang tunay na pagbabago ng isip ay tiyak na magbubunga ng pagbabago ng asal at pag-uugali.

B. Hindi Ganito ang Pagsisisi

1. Hindi ito kahihiyan o pagkalungkot lamang dahil sa kasalanang nagawa, subalit ang tunay na pagsisisi ay laging sinasamahan ng sangkap ng pagkalungkot.

a. Ito ay pag-iiba ng kalooban ng tao, isang tiyakang desisyon na talikuran ang lahat ng kasalanan at sa halip ay pagsumikapan ang katuwiran.

2. Hindi rin ito kayang gawin ng tao lamang. Katulad ng bawat sangkap ng pagtutubos ng Diyos, ito’y Kanyang nakapangyayaring kaloob.

a. Nang kilalanin ng bagong iglesya ang katunayan ng pagiging Cristiano ni Cornelio, ay nagsabi sila ng ganito, “Kung gayon, sabi nila, ang mga Hentil ma’y binigyan din ng pagkakataong magsisi’t magbagong-buhay upang maligtas” (Gawa 11:18 cf. 5:31).

b. Sumulat si Pablo kay Timoteo at pinayuhan siyang mahinahon niyang ituwid ang mga sumasalungat sa katotohanan, “baka sakaling sa ganitong paraa’y bigyan sila ng Diyos ng pagkakataong magsisi’t tumalikod sa kanilang mga kasalanan, at malaman ang katotohanan” (2 Timoteo 2:25).

c. Kung ang Diyos ang nagkakaloob o nagbibigay ng pagkakataon, hindi natin maaaring isipin na ito’y gawa na galing sa tao.

3. Hindi rin ito parang paghahanda, paglilinis o pag-ayos ng buhay bago maligtas. Hindi tayo inuutusan na ituwid muna natin ang mga kasalanang nagawa at saka tayo lumapit kay Cristo sa pananalig.

a. Kung tutuusin, ito’y utos na kilalanin natin ang ating kasalanan at kamuhian ito, talikuran ito, at tumalilis patungo kay Cristo, yayakapin Siya ng ganap na pagtitiwala.

b. Sinabi ni J.I. Packer, “Ang hinihinging pagsisisi ni Cristo mula sa Kanyang mga tinawag ay ang nakatalagang pagtanggi na lagyan ng hangganan ang anumang naising hingin Niya sa kanilang mga buhay” [Evangelism and Soverignty of God, Downers Grove, Ill.; Intervaristy, 1961, 72].

c. Ayon rin kay Berkhof sa kanyang aklat na Systematic Theology, p. 486: Ang pagsisisi ay hindi lamang pag-andar ng isip, kundi ang tunay na pagsisisi ay nagsasama ng kaisipan, damdamin, at kalooban.

C. Sangkap ng Pagkatao na Kasama sa Pagsisisi

1. Sa Kaisipan.

a. Nagsisimula ito sa pagkilala ng kasalanan---

1) sa pag-unawang tayo ay mga makasalanan;

2) na ang ating kasalanan ay paglapastangan sa isang banal na Diyos;

3) at tayo’y personal na mananagot sa ating mga sariling budhi.

b. Ang pagsisising tutuloy sa kaligtasan ay kinakailangang kasama ang pagkilala kung sino si Cristo, at kaunawaang Siya’y may karapatang makialam at pagharian ang ating buhay.

2. Sa Damdamin.

a. Karaniwan ding kasama ng tunay na pagsisisi ang nag-uumpaw na kalungkutan.

1) Kung kalungkutan lamang, hindi ito pagsisisi;

2) Maaari kang malungkot o mahiya na hindi naman nagsisisi.

3) Halimbawa, si Judas ay nalungkot (Mateo 27:3) ngunit di siya nagsisi; ang lalaking mayaman sa Mateo 19:22 ay lumayong nalulungkot, ngunit di rin siya nagsisi.

b. Subalit, may kalungkutang tumutuloy sa pagsisisi.

1) Basahin ang 2 Corinto 7:10.

2) Mahirap unawain ang tunay na pagsisisi na walang halong kalungkutan, lungkot dahil sa nahuli, hindi rin lungkot dahil sa naging bunga; kundi paghihinagpis dahil nagkasala laban sa Diyos.

3) Sa Lumang Tipan, karaniwang ipinakikita ang pagsisisi sa pagsusuot ng sako at pagsasabog ng abo sa katawan, ito ang mga simbulo ng pagluluksa (Job 42:6; Jonas 3:5-6).

3. Sa Kalooban.

a. Kasama ng pagsisisi ang pagbabago ng direksyon, pagbabago ng kalooban.

b. Malayo ito sa pagbabagong-isp lamang, naglalaman ito ng kahandaan, o determinasyon, na bitawan ang katigasang ayaw sumunod at ang pagsusuko ng kalooban kay Cristo.

c. Ang pagbabago ng ugali ay hindi pagsisisi, ngunit ito ang tiyak na bunga ng tunay na pagsisisi.

d. Kung walang makitang kaibahan sa asal at kilos, di maaaring pagtiwalaan na naganaap ngang pagsisisi (Mateo 3:8; cf. 1 Juan 2:3-6; 3:17).

4. Pagsisisi ang tanda ng tunay na mananampalataya.

a. Ito ay hindi isang beses lamang. Ito’y nagsisimula sa pagbabalik-loob (conversion) at nagpapatuloy sa isang buhay na palagiang nangungumpisal (1 Juan 1:9).

b. Ang aktibo at patuloy na pagsisisi ay nagbubunga ng pagkaaba, pagkahapis, at kababang-loob na sinasabi ni Jesus sa Mateo 5:3-6.

IV. Ang Mga Bunga ng Pagsisisi

A. Pagsisisi Ayon sa Pagkaunawa ng mga Judio

1. Nang mangaral si Jesus, “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan, sapagkat malapit nang maghari ang Diyos” (Mateo 4:17), naintindihan kaya Siya ng mga tagapakinig?

a. Sa lawak at yaman ng mga pagtuturo ng Lumang Tipan at ng mga matatandang guro, hindi na sila siguro malilito pa sa tunay na kahulugan ng pagsisisi.

b. Alam nilang hindi lamang Niya tinatawag ang mga tao na magbago ng isip o magkaroon ng panibagong pagkilala kung sino Siya.

c. Ang pagsisisi sa kanila ay nangangahulugan ng ganap na pagsuko ng kanilang kalooban at tiyak na kasunod nito ang pagbabago ng kanilang pamumuhay, hindi ito isang ibang opinyon lamang.

d. Nauunawaan nila na tinatawag sila ni Jesus na aminin nila ang kanilang mga kasalanan, talikuran ang mga ito, manumbalik sa Diyos, at Siya na ang kanilang sundin.

2. Sa katunayan bihasa na sa pagkakaunawa ang mga Judio tungkol sa pagsisisi.

a. Ipinaliliwanag ng mga guro ng Israel (rabi) ang Isaias 1:16-17 na may siyam na gawaing may kinalaman sa pagsisisi: “Magpakabuti na kayo, magbalik-loob sa akin; talikdan na ninyo ang masasamang gawain. Tumigil na kayo ng paggawa ng masama. Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti; pairalin ang katarungan; itigil ang pang-aapi; tulungan ang mga ulila; ipagtanggol ang mga balo.”

b. Pansinin na nagsimula ang pagsisisi sa loob ng tao at patungo sa pagpapahayag niyo sa mga asal at gawa.

B. Puspos ng Mayamang Katotohanan Tungkol sa Pagsisisi ang Lumang Tipan

1. Ezekiel 33:18-19

2. 2 Cronica 7:14

3. Isaias 55:6-7

4. Jonas 3:10

a. Pansinin kung paanong sinukat ng Diyos ang pagsisisi ng mga taga-Ninive. “Nakita ng Diyos ang kanilang pagtalikod…” (…by their deeds…)

b. Kaya naman ng Diyos basahin na lamang ang kanilang mga puso at tiyak na makikita rin Niya ang kanilang pagsisisi, ngunit ninais Niyang tingnan ang gawa nila ng pagsisisi!

C. Mga Halimbawa sa Bagong Tipan

1. Hiningi rin ni Juan Bautista ang mga mabubuting gawa bilang katunayan ng pagsisisi.

a. Naipangaral na niya ang mensahe ng pagsisisi hindi pa man nagsisimula si Jesus sa Kanyang gawain (cf. Mateo 3:1-2).

b. Anong sinabi ni Juan Bautista sa nagsilapit na mga relihiyosong mapagpaimbabaw upang magpabautismo? Basahin Mateo 3:7-8.

c. Ganito ba kayo bumati sa mga taong nagpapakilala sa inyo na mga naniniwala raw sa Diyos?

d. Bakit ganito kagaspang ang salubong ni Juan? Nilalason kasi ng mga ito ang buong bayan sa kanilang mapanlinlang na gawain.

e. Diretsahang aral: kung tunay ang pagsisisi, maaasahan nating makikita natin ang bunga nito.

2. Ano ang mga bunga ng pagsisisi? Tanong ito ng mga maniningil ng buwis kay Juan (Lukas 3:10).

a. Sagot niya? Basahin ang t. 13.

b. Sa mga sundalong ganito rin ang katanungan? Basahin ang t. 14.

c. Sa madaling salita, kailangan ang tunay na pagbabago sa pamumuhay. Ang taong tunay na nagsisi ay titigil na sa paggawa ng kasamaan at magsisimulang mamuhay ng matuwid.

3. Matinding pagbabago ang kinikilala ni Pablong katunayan ng pagsisisi.

a. Basahin ang Gawa 26:19-20.

b. Paano niya ipinaliwanag kay Haring Agripa ang kanyang paglilingkod Sa Diyos?

V. Ang Mabuting Balita at ang Pagsisisi

A. Ito ang Saligan ng Bagong Tipan sa Pagtawag ng Kaligtasan

1. Nang yayain ni Pedro ang mga tao pagkatapos niyang mangaral ng panahon ng Pentecostes, pagsisisi ang pinakapuyso nito: “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo’y patawarin” (Gawa 2:38).

2. Walang mensaheng tinatanggal ang pagsisisi na marapat na tawaging mabuting balita, dahil hindi makalalapit ang mga makasalanan kay Jesu-Cristo liban sa matinding pagbabago ng puso, kaisipan at kalooban.

B. Inilarawan ng Parabula

1. Ginamit ni Jesus ang isang parabula (talinghaga) upang ilarawan ang pagpapaimbabaw ng isang pananampalatayang walang pagsisisi. Basahin Mateo 21:28-31

a. Maaaring nagtataka kayo kung bakit hindi isinama ni Jesus sa salaysay ang ikaatlong anak na nagsasabing, “Opo tatay” at tinupad niya ang sinabi.

b. Malamang na ang salaysay na ito ay nagpapakita ng tunay na kalagayan ng tao, at lahat nga tayo ay hindi naging katanggap-tanggap sa Diyos (cf. Roma 3:23).

c. Kaya’t dalawang uri lamang ng relihiyosong tao ang inilarawan sa salaysay na ito: yaong mga nagkukunwang masunurin ngunit mga rebelde, at yaong mga nagsimulang bilang rebelde ngunit nagsisi.

2. Sinalaysay ni Jesus ang parabulang ito para sa mga Pariseo.

a. Hindi kasi nila kinikilalang sila’y mga makasalanan at mapanglabag sa batas ng Diyos.

b. Nang tanungin Niya sila kung sinong anak ang gumanap sa kalooban ng ama, tama ang kanilang kasagutan, “Ang nakatatatanda po” (Mateo 21:31).

c. Sa kanilang pag-amin, pinarusahan na nila ang sarili sa kanilang pagpapaimbabaw.

3. Tiyak na matinding pagkakapaso ang kanilang naramdaman sa saway ni Jesus.

a. Sinabi sa kanila ni Jesus (Mateo 21:31b), “Sinasabi Ko sa inyo: ang mga publikano at masasamang babae’y nauuna pa sa inyong pasakop sa paghahari ng Diyos.”

b. Namumuhay kasi sa kahibangan ang mga Pariseo na sila’y katanggap-tanggap sa Diyos dahil sa kanilang mabonggang palabas ng pagkarelihiyoso.

c. Kapareho nila yaong anak na nagsasabing “opo” ngunit di naman sumunod. Ang kanilang pagsasabi na iniibig nila ang Diyos at sumusunod daw sila sa Kanyang mga batas ay bale-walang lahat.

C. Layunin ng Mabuting Balita ni Jesus

1. Madaling makapasok sa kaharian ng Diyos ang mga publikano at masasamang babae.

a. Mas madali nilang aminin ang tunay nilang kalagayan --- mga makasalanan; at mapagsisihan nila ito.

b. Kahit na ang pinakasamasamang kasalanan ay hindi kayang pigilan makapasok sa kaharian ang isang makasalanan kung siya’y magsisisi.

c. Sa kabilang banda, kahit gaano pa kataas angpagkarelihiyso ng isang Pariseo ayaw namang aminin ang kanyang kasalanan at pagsisihan ito, ay matatagpuan niya ang sariling napagsarhan na ng kaharian ng Diyos.

2. Hanggang ngayon ay di nagbabago ang layunin ng Diyos sa pagliligtas ng tao.

a. Marami ngayon ang nakaririnig ng katotohanan ni Cristo at madaling nakatutugon tulad noong anak na nagsabing susunod ngunit di naman ginawa.

1) Ang positibo nilang tugon kay Jesus ay di makapagliligtas sa kanila;

2) Ang bunga ng kanilang pamumuhay ay maipakikita na kailanman ay di sila tunay na nagsisi.

b. Sa kabilang banda, may mga tumalikod na sa kanilang mga kasalanan, di pananalig, at di pagsunod at yumayakap kay Cristo na may pananampalatayang sumusunod.

1) Sumasakanila ang tunay na pagsisisi, na ipinakikita ng matuiwd nilang pamumuhay;

2) Sila’y mga tunay na matuwid (1 Pedro 4:18) at iyan ang layunin ng Mabuting Balita ni Jesus.

Pagtatapos


1 Ayon kay Berkhof: “Ang tunay na pagsisisi ay hindi mangyayari liban lamang kung kasabay nito ang pananampalataya, samantala, sa isang banda naman, sa tuwing may tunay na pananampalataya, mayroon ding tunay na pagsisisi… Ang dalawang ito ay di maaaring mapaghiwalay; sila aay magkaugnay na bahagi ng magkaparehong pangyayari” (Louis Berkhof, (Louis Berkhof, Systematic Theology [Grand Rapids: Eerdmans, 1939], 487).

Ipinangaral ni Pastor Larry John Sy sa Disciples of Christ Comunity Church
(Hinalaw mula sa aklat ni Dr. John MacArthur, Jr., The Gospel According to Jesus)

©2011 The Expositor.Org. All rights reserved. Since September 1999.